ROTC maaring magamit ng mga estudyante na nais mag seaman — ACTS-OFW Partylist

0
53

Naniniwala ang ACTS-OFW partylist na magagamit ng mga estudyante na nagnanais maging seaman ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC).

Ayon kay ACTS-OFW Chairman John Bertiz, ang hinahanap ng mga international shipping companies ay yung mayroong pagsasanay na pangmilitar.

Aniya, kung ang mga nagsisipagtapos ng mga kursong marino ay mayroong pagsasanay na pang militar ay tiyak na mas malaki ang tiyansa na makukuha ito ng mga malalaking kumpanya.

Matatandaang pinababalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mandatory ROTC sa senior high school.