Lorenzana nilinaw na hindi barko ng China ang dumaong sa Subic

0
48

Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi barko ng China ang dumaong sa pantalan ng Subic, Zambales kahapon.

Aniya, ang barko ay isang yate na pagmamay ari ng isang negosyanteng Belgian na nakabase sa Subic na si Didier Ladiere.

Ayon naman sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), nakarehistro ang yate sa kanila at agad pinuntahan ng kanilang harbor patrol dahil walang sumasagot sa kanilang tawag.

Matatandaang namataan ang naturang yate sa palibot ng Subic at doon nakita ang umano’y Chinese na ayon kay Lidiere ay kanyang mga bisita.