Romualdez nais isulong ang panukalang pagtaas ng edad na saklaw ng mabibiktima ng statutory rape

0
47

Isinusulong ni House Committee on the Welfare of Children Yedda Marie Romualdez ang panukalang itaas sa 16 mula sa 12 ang edad na saklaw ng mabibiktima ng statutory rape.

Nakasaad sa house bill 4160 ni Romualdez ang parusang habambuhay na pagkakakulong sa sinumang indibdiwal na mahahatulan ng guilty sa nasabing kaso.

Sinabi ni Romualdez na ang pakikipagtalik sa mga 16 year old pababa ay dapat nang ituring na rape kahit pa may pahintulot ito mula sa biktima.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas maituturing na krimen ang pagpapasok ng ari, kamay at anumang bagay sa maselang bahagi ng katawan ng biktima kapag wala itong malay, pinilit o tinakot, nalasing dahil sa alak, nasa impluwensya ng iligal na droga at kapag sangkot sa sexual act ang dalawa o higit pang indibidwal.

May katapat ding parusa o kulong ang qualified seduction o pang aakit sa 16 years old pababa gayundin ang consented abduction tulad nang pagtatanan.