32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Duterte at Xi nagkaharap na

- Advertisement -

Nagkaharap na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping sa tinaguriang high stakes diplomatic engagement sa pagitan ng dalawang lider.

Ang ika-walong bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China ay nangyari sa Diaoyutai State Guesthouse sa Beijing.

Bahagi ng opening remarks ng Pangulong Duterte ang pahayag nitong muling pakikipagkuwentuhan kay Xi na nitong nakalipas na apat na buwan niya lamang huling nakita sa Belt and Road Forum sa Beijing.

Limitado lamang ang ibinigay na access sa media kaya’t hindi na nabatid ang iba pang bahagi ng pulong ng dalawang lider, bagamat ipinabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umikot ang pag-uusap sa edukasyon, science and technology  at economic and social development.

Matapos ang pulong, isang state banquet ang idinaos para sa Philippine delegation.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -