30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Rocco Nacino ginawaran ng promosyon sa Philippine Navy

- Advertisement -

Opisyal nang na-promote sa Philippine Navy reserve force ang aktor na si Rocco Nacino.

Sa isinagawang oathtaking at donning of ranks sa Naval station sa Fort Bonifacio, ginawaran ng ranggong Petty Officer 3rd Class si Nacino.

Sa kaniyang instagram post, makikita sa larawan ang pagsasabit ng ranggo ng ina ni Rocco na si Linda sa uniporme ng kaniyang anak.

Inilagay naman ni Rocco bilang caption na ini-aalay niya ang bagong ranggo sa kaniyang mga magulang, kay Col. Eleuterio Quioge at sa kaniyang namayapang lola.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -