Friday, May 3, 2024

Philippine Cycling Team target makasungkit ng gintong medalya sa SEA Games

- Advertisement -

Sisikaping makabangon ng philippine cycling team mula sa isang bronze medal na kanilang nasungkit nuong 2017 SEA Games na ginawa sa Malaysia.

Ayon kay Philcycling President at Cavite Rep. Abraham Tolentino, bagama’t hindi sila pinalad sa unang sabak nuon sa Malaysia, tiwala naman siya sa kakayahan ng tropa para makasungkit ng ginto.

Malaking bentahe aniya sa kanila ang pagiging pamilyar sa ruta kahit pa batid nilang mabibigat ang kanilang mga makakalaban tulad ng Malaysia, Thailand at Indonesia.

Una rito, nagpahayag din ng suporta si SEA Games gold medalist at cycling squad member Marella Salamat na may malaking potensyal ang koponan para humakot ng mga medalya sa nalalapit na SEA Games na gagawin dito sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img