Pinuna ni Vice President Leni Robredo ang ginagastos ng pamahalaan sa pagtugon sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bayanihan to recover as One Act (Bayanihan 2).
Sa isang panayam, iginiit ng bise presidente na kulang ang ginagastos ng gobyerno ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa.
Aniya, napakaliit ng pondo na nakapaloob sa Bayanihan 2 para sa buong bansa o Pilipinas na may pinakamalalang sitwasyon ngayon dahil sa pandemya.
Giit nito, dapat na gumastos lang ang gobyerno ng malaki upang matulungan ang lahat ng naaapektuhan ng pandemya sa bansa.