Robredo pinadadagdagan ang budget ng DOH para sa drug rehab

0
14

Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo na bigyan ang Department of Health (DOH) ng mas malaking pondo para sa ginagawang rehabilitasyon sa mga drug addict.

Ayon kay Robredo, bukod sa dagdag na human resources, kailangan din maisaayos ang pasilidad sa mga rehabilitation center.

Nakita umano kasi niya ang pagsasama-sama ng mga drug user at drug pusher sa rehab center na nais sana niyang maiayos.

Gayunman wala naman aniya siyang nakitang problema sa trabaho ng DOH sa larangan ng rehabilitation at reintegration program.