Alternative Work Agreement bill pinamamadali sa Kongreso

0
21

Pinamamadali na ng ilang mga mambabatas ang pag-apruba sa Alternative Work Agreement bill.

Ayon kina Cibac Partylist Rep. Eddie Villanueva at Cong. Domeng Rivera, kailangan nang mabigyan ng konsiderasyon ang iba’t ibang sitwasyong kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino.

Sa oras umano na maisabatas ang panukala, mas mapapaigi ang productivity at work life balance ng mga manggagawa.

Layong amyendahan ng House Bill 5471 ang Article 83 ng Labor Code of the Philippines sa pamamagitan ng pagtatatag ng optional alternative working arrangements tulad ng compressed work week.