Robredo naniniwalang posibleng bahagya lang ang pagbagsak ng ekonomiya kung pinayagan ang pagbabalik-pasada ng mga jeep

0
6

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na posibleng bahagya lang ang naging pagbagsak ng ekonomiya kung pinayagan na ang magbalik-pasada ang mga jeep sa ilalim ng general community quarantine.

Ayon kay Robredo, ang 59.2 na pagbaba sa sektor ng storage at transportation ay isa sa may pinakamalaking bahagi sa 16.5 na pagbagsak ng ekonomiya na nauwi na sa resesyon.

Giit ni Robredo, sana ay pinayagan nang makabalik sa kalsada ang mga pampublikong transportasyon basta’t tiyakin lamang na ma-oobserba pa rin ang social distancing.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo, kung sa simula pa lamang ay may plano na o naitama na ng maaga ay hindi na magiging ganito kalala ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.