Robredo maaring ma-monitor ng aktuwal ang mga drug ops — Banac

Robredo maaring ma-monitor ng aktuwal ang mga drug ops — Banac

by Powered by DWIZ
0 comment 11 views

Maaari pa ring makasama si Vice President Leni Robredo sa mga aktuwal na operasyon laban sa droga.

Ayon kay Police Brig General Bernard Banac, spokesman ng Philippine National Police (PNP), may command post naman para ma-monitor ng bise presidente ang drug operations habang aktwal itong nangyayari.

Iginiit ni Banac na mas malaking problema sa seguridad kung kasama si Robredo sa mga aktual na operasyon.

Ginagawa ito —kahit nga ‘yung Presidente ng Estados Unidos, ginagawa ito kapag mayroon talagang mga importante na mga operations, military operations; ay naka-monitor ang pangulo nila, live, real time live monitoring,” ani Banac.

Ayon kay Banac, magkakaroon ng malaking pagbabago sa konsepto ng mga drug operations ngayong pumasok na bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) si Robredo at suportado aniya ito ng PNP.

Wala rin aniyang problema ang PNP sa plano ni Robredo na kausapin ang United Nations at Estados Unidos hinggil sa drug war ng Pilipinas.

Narinig din naman natin sa kanya na kinakailangan na mauna muna tayo dito, ito ay internal problems natin; ang kampanya laban sa illegal na droga at sapat naman ang ating mga proseso dito at ginagalang natin ang mga karapatang pantao, doon na lamang sa pagkakataon na talagang masasabi natin na hindi natin isinasagawa dito ang pagsunod sa batas saka lamang na maaring manghimasok ang mga dayuhan pero sa ngayon ay wala pa tayong nakikitang pangangailangan na kinakailangan na dayuhan pa mismo ang siyang mag-imbestiga para sa atin,” ani Banac. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas

0 comment

Related Posts