Thursday, May 2, 2024

Robredo bilang co-chairman ng ICAD suportado ng PNP

- Advertisement -

Sinusuportahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, hindi hadlang ang pagiging babae ng Bise Presidente upang pangunahan ang kampanya kontra ilegal na droga sa bansa.

Aniya, ang mahalaga dito ay ang pagkakaisa at pagtulong-tulong ng bawat Pilipino sa mithiing pagkakaroon ng drug free Philippines sa taong 2022.

Mahalaga rito ay ang —’yung pagkakaisa at pagtutulungan para sa iisang mithiin, ang magkaroon ng ‘drug free’ Philippines by 2022 at talagang labanan natin ang problema sa ilegal na droga,” ani Banac.

Samantala, inaasahan din ng PNP na tatanggapin ni VP Leni Robredo ang pagkakatalaga sa kanya bilang drug czar.

Ang ini-expect na lang natin, of course, ay tatanggapin ni Vice President ang kanyang pagkakatalaga,” ani Banac. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img