Road restoration sa Manila East Road natapos na

0
66

Inaasahang maiibsan na ang araw-araw na masikip na daloy ng trapikong nararanasan ng mga residente sa Binangonan, Taytay at Angono sa Rizal.

Ito ayon sa Manila Water ay dahil natapos na nila ang road restoration sa Manila East Road at passable na ito sa mga motorista.

Nasa 6-km ang haba ng kalsadang inayos kung saan mahigit 5-km ang sinimentuhan at may bahagi ring inaspaltuhan.

Magugunitang ilang linggong dumanas ng matinding trapiko ang mga motorista sa lugar dahil sa isinarang kalsada.