Petisyon laban sa pag upo ni Cardema bilang kinatawan sa 18th congress tatalakayin na ng COMELEC

0
60

Sinimulan nang talakayin ng Commission on Elections ang kwalipikasyon at mga petisyon laban sa pag upo ni Duterte Youth Chairman Ronald Cardema bilang kinatawan sa 18th Congress.

Umusad ang pagdinig, isang linggo matapos aprubahan ng Comelec En Banc na talakayin ang last minute substitution ni Cardema at apat na iba pa sa limang umatras na nominees ng Duterte Youth.

Nagkakaisa ang lima sa pitong miyembrong komisyon na pasok sa deadline ng filing ang application para sa substitution ni Cardema kaya’t karapat dapat itong talakayin ng komisyon.