30.2 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Rizal isinailalim sa indefinite lockdown

- Advertisement -

Simula kaninang 8:00 ng umaga, bawal na ang lumabas at pumasok sa lalawigan ng Rizal.

Indefinite lockdown ang ipinag-utos ni acting Rizal Governor Reynaldo San Juan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.

Sa pinakahuling datos, umabot na sa 18 ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa Rizal may 106 na positibo, 466 ang patients under investigation (PUI) at mahigit 9,000 ang persons under monitoring (PUM).

Katulad ng umiiral na enhanced community quarantine, exempted sa lockdown ang mga essential employees tulad ng mga nagtratrabaho sa ospital, food preparation, transport delivery service, supermarkets, agricultural supply at iba pa.

Pinapayagan namang maglabas masok ang government officials, health workers, at media personnel.

Banned ang lahat ng mass transportation maliban sa mga sasakyang ilalaan ng provincial government para sa essential workers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -