Rice Tarrification Law dapat repasuhin —Hontiveros

0
44

Nais ni Senator Risa Hontiveros na repasuhin ang Rice Tarrification Law sa harap ng nakakaalarmang pagbagsak ng presyo ng mga locally produced na palay.

Ayon kay Hontiveros, nakakabahala at nakakalungkot na ang mga magsasaka na siyang nagsisikap upang may makain ang bawat pamilyang pilipino ay sila pang nanganganib na magutom at maghirap dahil sa pagkalugi sa presyo ng palay.

Aniya, bago pa man ang pandemya ay malaki na ang nalulugi sa mga magsasaka dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay dulot ng implementasyon ng Rice Tarrification Law.

Nananawagan naman ang sendora sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na protektahan ang bansa laban sa pagdagsa ng mga puslit na bigas na posibleng maging dahilan pa ng pagbaba ng buying price ng palay.

Giit pa nito na dapat gamitin ng Pangulo ang kanyang poder upang itaas ang taripa upang mapigilan ang sobrang importasyon ng murang bigas sa bansa. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)