Sunday, April 28, 2024

Rice Tariff law magandang batas ngunit naaabuso — Salceda

- Advertisement -

Pinakakasuhan ni Cong. Joey Salceda ang mga mapang-abusong rice traders na aniya’y miyembro ng kartel ng bigas.

Ang pagsasampa ng kaso ay nakapaloob sa mungkahi ni Salceda na ‘economic tokhang’ laban sa mga rice traders.

Dapat anyang buksan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang libro ng mga rice traders upang makita kung gaano kalaki ang kanilang kita.

Tahasang sinabi ni Salceda na inabuso ng rice traders ang Rice Tariffication Law na dapat sana’y magbibigay ng benepisyo sa mga magsasaka.

Sa kabila nito, nanindigan si Salceda na isang magandang batas ang Rice Tarification Law subalit naabuso at hindi nabantayan ang pagpapatupad nito.

Katakot-takot na ininvest na political capital po ng gobyerno, katakot-takot na debate, ‘yung mga pangamba ng mga farmers ay naputanayan, so, paano naman sila magtitiwala sa amin? Kailangan talaga, ma-achieve ng batas ang kaniyang pinangakong goal,” ani Salceda. —sa panayam ng Ratsada Balita


Mga magsasala dapat mabigyan ng fresh capital — Salceda

Dapat mabigyan ng fresh capital ang mga magsasaka na apektado ng pagbagsak ng presyo ng palay sa halip na pautangin lamang ito ng kapital ng pamahalaan.

Mungkahi ito ni Cong. Joey Salceda sa harap ng aniya’y pang-aabuso ng ilang rice traders sa Rice Tariffication law.

Ayon kay Salceda, binabantaan ng mga rice traders ang mga magsasaka na mag-iimport na lamang sila kung hindi ibebenta sa gusto nilang presyo ang ani ng maliliit na magsasaka.

Muli ring nanawagan si Salceda sa Philippine Competition Commission na silipin ang nangyayaring monopolya o cartel sa industriya ng bigas. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -