Rice inventory tumaas ngayong taon —PSA

0
31

Tumaas ng 2.375M metric tons ang suplay ng bigas ng bansa nitong taon.

Batay ito sa pinakahuling rice inventory Ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Pebrero 1.

Mas  mataas  ito  ng  10.9  na  porsyento sa 2.141M metric tons na naitalang  rice inventory  noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Gayunman mas mababa naman ito ng labing isa punto dalawang porsyento sa naitalang 2.675M metric tons noong enero.

Sa kaparehong report ng PSA, naitala naman ang labing anim punto tatlong porsyentong pagbaba sa imbentaryo ng mais sa bansa.