Pakistan fighter jet bumagsak sa Islamabad

0
31

Bumagsak ang isang fighter jet ng Pakistan Air Force malapit sa isang park sa Islamabad habang nagsasagawa ng rehearsal para kanilang national day parade sa Marso 23.

Ayon sa Pakistan Air Force, agad nasawi ang piloto ng fighter jet na si Wing Commander Noman Akram.

Kinurdon din ang bahagi ng crash site sa Shakarparian malapit sa ilang mga museo, golf clubs at stadium.

Dagdag ng Pakistan Air Force, ipinag-utos na ng air headquarters ang pagbuo ng isang board na magsasagawa ng imbestigasyon sa dahilan ng insidente.