Revised death toll sa ‘war on drugs’ umabot na sa halos 5,000

0
44

Umabot na sa 4,948 ang bilang ng napapatay sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration simula Hulyo 2016 hanggang nitong Setyembre.

Batay sa #RealNumbersPH report ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), 94 ang naitalang patay sa lehitimong operasyon noong isang buwan.

Umabot na sa 110,395 ang isinagawang anti-drug operations; nasa 158,000 ang inaresto kabilang ang 582 government worker.

Sumampa naman sa P25 bilyon ang halaga ng mga nasabat na iligal na droga at laboratory equipment at tinaya sa isang tonelada ang nakumpiskang smuggled shabu habang nasa 8,700 barangay na ang drug-free.

—-