Sundalo patay sa engkwentro sa hinihinalang NPA sa CamSur

0
47

Patay ang isang sundalo habang sugatan ang isa sa engkwentro ng militar sa mga umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bato, Camarines Sur kahapon.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Frederick Pasco, 29-year-old, tubong Cagayan De Oro habang nagpapagaling naman sa ospital si Private First Class Reynaldo Aquino.

Batay sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang 83rd Infantry Battalion sa Barangay Mainit matapos makatanggap ng impormasyon mula sa ilang residente roon.

Dito umano nila nakasagupa ang nasa 20 mga rebelde.

—-