Pagtaas ng insidente ng sunog sa bansa ikinababahala ng BFP

0
52

Nababahala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagtaas ng insidente ng sunog ngayong taon.

Batay sa datos ng BFP, aabot sa mahigit labindalawang libo’t limandaan (12,500) ang naitalang sunog sa nakalipas lamang na siyam na buwan.

Mas mataas ito ng 4.69 percent kumpara sa halos labindalawang libong (12,000) kaso ng na naitalang sunog sa kaparehong panahon noong 2017.

Ayon sa BFP, pangunahin pa ring nagiging sanhi ng sunog ang mga depektibong linya ng kuryente, upos ng sigarilyo na itinatapon sa basurahan at mga madaling magliyab na mga materyales.

Sa kabila nito, tiniyak ng BFP na gumagawa sila ng paraan para matuguan ang kakulangan ng firetruck sa iba’t ibang bayan sa bansa.

—-