Retired SC Assoc Justice Noel Tijam itinalaga bilang academe representative ng JBC

0
51

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Retired Supreme Court Associate Justice Noel Tijam bilang academe representative ng JBC o Judicial and Bar Council.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Malacañang na pupunan ni Tijam ang nasabing pwesto sa judicial body.

Kasabay nito, nakatakda namang punan ni Court of Appeals Associate Justice Amy Lazaro-Javier ang nabanteng pwesto ni Tijam sa SC o Supreme Court.

Matatandaang si Tijam ay nagretiro sa SC noong Enero matapos nitong sumapit sa 70 taong gulang na mandatory age of retirement sa kataas-taasang hukuman.