Monday, May 6, 2024

Pagbabawal sa pagbisita sa mga bilanggo sa penal colonies pansamantala lang — DOJ

- Advertisement -

Nilinaw ng DOJ o Dept. of Justice na pasamantala lamang ang pagbabawal ng BuCor o Bureau of Corrections sa pag-tanggap ng dalaw para sa mga bilanggo.

Ito ay kasunod ng inilabas na kautusan ni BuCor Dir. General Nicanor Faeldon kung saan sinuspindi nito ang visiting privileges at recreational activities sa pitong penal colonies sa bansa kabilang na ang New Bilibid Prison.

Paliwanag ni Faeldon, ito ay dahil sa patuloy na pagkakadiskubre ng mga kontrabando mula sa mga preso.

Kaugnay nito, binigyang diin naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pansamantala lamang ang kanselasyon sa mga pribilehiyo ng mga bilanggo.

Aniya, ang hakbang na ito ay upang mabigyan din ng panahon ang BuCor para paigtingin ang operasyon nito laban sa mga kontrabando at iba pang iligal na bagay sa mga bilangguan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img