35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Resulta sa imbestigasyon sa mga ninja cops posibleng ilabas sa darating na linggo — DILG

- Advertisement -

Inaasahang ilalabas na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon laban sa mga ninja cops.

Ayon kay DILG Spokesman Jonathan Malaya, posibleng ilabas na ang resulta bago matapos ang linggo o sa darating na linggo.

Aniya, posibleng maisapubliko ang resulta bago pa tuluyang mawala sa serbisyo si dating PNP Chief Police General Oscar Albayalde na magreretiro sa November 8 kahit pa nasa non – duty status na ito ngayon.

Kabilang si Albayalde sa inuugnay sa mga ninja cops sa nangyaring Pampanga illegal drugs operation noong 2013 dahil siya ang provincial director noong mga panahong iyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -