Resulta ng re autopsy kay Constancia Dayag ilalabas na ngayong linggo

0
49

Ilalabas na ngayong linggo ang resulta ng re autopsy ng NBI sa mga labi ng Pinay domestic worker na si Constancia Dayag.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na naka depende sa resulta ng re autopsy report kung magkakasa ng deployment ban sa Kuwait.

Magiging option din aniya ang deployment ban kung hindi gumawa ng tamang aksyon ang Kuwaiti government sa nasabing kaso.

Ayon pa kay Bello, mayroong sariling autopsy report ang Kuwaiti government subalit kailangan aniyang hintayin ang resulta ng autopsy ng NBI.