Halos 6-M pisong halaga ng hinihinalang bloke ng cocaine nadiskubre sa Albay

0
58

Nakatagpo na naman ng hinihinalang bloke ng cocaine sa pagkakataong ito sa karagatang sakop ng Rapu Rapu sa Albay.

Sinabi ni Major Maria Luisa Calubaquib, spokesperson ng Bicol police na ang mga mangingisdang sina Nilo Aguilar, Joy Dungaran at Joven Cambi ang nakakita sa nasabing cocaine na sumama sa fishnet nila habang nangingisda sa boundary ng Prieto Diaz sa Sorsogon.

Ayon sa mga mangingisda, nakabalot ng brown na packaging tape ang package kayat binuksan nila ito at tumambad ang crystalline powdered substance.

Nai-turn over na ang halos isang kilo ng cocaine brick na nagkakahalaga ng halos 6 million pesos.