Sunday, May 12, 2024

Resulta ng imbestigasyon vs. 2 Cabinet members na dawit sa korupsiyon isinumite na ng PACC

- Advertisement -

Isinumite na sa Office of the President ang resulta ng imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) hinggil sa dalawang miyembro ng gabinete na dawit sa korupsiyon.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, bahala na ang Pangulong Rodrigo Duterte na mag-anunsyo kung sino ang mga nasabing cabinet members na sangkot sa katiwalian matapos nilang ilang buwang imbestigahan.

Una nang inihayag ni Belgica ang isang undersecretary at isang assistant secretary na iniimbestigahan nila dahil sa labis na pagbiyahe sa labas ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -