NDRRMC nagpasalamat sa aktibong pakikilahok ng publiko sa National Simultaneous Earthquake Drill

0
15

Nagpapasalamat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pakikilahok ng publiko sa ikinasang National Simultaneous Earthquake Drill (NSDE) kaninang umaga.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, layon ng malawakang earthquake drill na ihanda ang mamamayan sa inaasahang “the big one” o magnitude 7.2 na lindol na maaaring tumama sa Metro Manila sa paggalaw ng Marikina fault line anomang oras.

Samatala, balik na sa operasyon at trabaho ang mga iba’t-ibang ahensya katulad ng NCRPO, MRT-3 at iba pa bandang alas 9:30 ng umaga pagkatapos ng naturang pagsasanay.