Resulta ng imbestigasyon sa Recto Bank incident nasa tanggapan na ni Pangulong Duterte

0
44

Naisumite na ng Philippine Coast Guard at Maritime Industry Authority sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa Recto Bank Incident.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, noong nalipas na Huwebes pa nila naipadala kay Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon.

Wala namang ibinigay na detalye si Tugade sa nilalaman ng imbestigasyon dahil hindi pa aniya ito nababasa ng pangulo.

Sinabi ni Tugade, ayaw nilang pangunahan ang pangulo lalo’t sensitibo aniya ang naganap sa pagitan ng isang Chinese vessel at bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank sa West Philippine Sea.