Nasa 30 katao nagpo positibo sa HIV kada araw ayon sa DOH

0
42

Aabot sa 38 katao ang nagpo-positibo sa HIV-AIDS o Human Immuno Deficiency Virus – Acquired Immuno Deficiency Syndrome bawat araw.

Ito ay ayon kay Health Secretary Eric Domingo batay sa naging pagaaral ng ahensiya.

Sinabi ni Domingo, nakababahala ang nasabing bilang laluo’t pabata aniya ng pabata ang nagkakaroon ng HIV-AIDS.

Nabatid din ng ahensiya na halos dumoble ang bilang ng mga taong may AIDS sa nakalipas na sampung taon.

Nananatili namang nangungunang dahilan ng pagkahawa sa HIV-AIDS ang pakikipagtalik sa taong kontaminado nito.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng DOH ang nagkakaranas ng sintomas ng HIV AIDS na agad na magpakonsulta.