Resulta ng imbestigasyon sa 2 opisyal na sangkot sa korupsyon hawak na ng OP

0
31

Hawak na ng Office of the President (OP) ang resulta ng imbestigasyon ng Presidential Anti Corruption Commission (PACC) hinggil sa dalawang miyembvro ng gabinete na dawit sa korupsyon.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, bahala na ang Pangulong Rodrigo Duterte na mag anunsyo kung sino ang mga nasabing cabinet members na sangkot sa katiwalian matapos nilang ilang buwang imbestigahan.

Una nang inihayag ni Belgica ang isang undersecretary at isang assistant secretary na iniimbestigahan nila dahil sa labis na pag biyahe sa labas ng bansa.