Pag re-review sa oplan ‘tokhang’ pinagkasunduan ni Robredo at ng PNP

0
26

Nagkasundo sina anti-drug czar Vice President Leni Robredo at Philippine National Police (PNP) na muling pag-aralan ang ipinatutupad na oplan ‘tokhang’ ng war on drugs ng pamahalaan.

Ito ang inihayag mismo ni Robredo matapos ang kanyang pakikipagpulong kay PNP officer in charge Lt. General Archie Gamboa at iba pang miyembro ng enforcement cluster ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Robredo, muli niyang iminungkahi kay Gamboa ang muling pag-aaral sa oplan ‘tokhang’ lalu na’t may negatibo aniya itong connotation.

Aniya, sinang-ayunan naman ito ng PNP at nangakong magsasagawa ng assessment para mas mapabuti ang pagpapatupad ng kampanya kontra iligal na droga.

Dagdag ni Robredo, kung titignan maayos ang pagkakalatag sa papel ng anti-drug program na oplan ‘double barrel’ na kinabibilangan ng oplan ‘tokhang’ at project ‘high value target (HVT).

Gayunman, malinaw aniyang nagkarron ng butas sa pagpapatupad nito dahil nagkaroon ng mga pag-abuso.