Rep. Alejano binatikos ang pahayag ni Pangulong Duterte sa Chinese workers sa PH

0
47

Binatikos ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng dumaraming bilang ng mga Chinese workers sa bansa.

Ito ay matapos na sabihin ng pangulo na tama lamang na ipa-deport pabalik ng kanilang bansa ang mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa bansa pero pinayuhan rin ang mga otoridad na maghinay-hinay hinggil sa usapin.

Ayon kay Alejano, dahil sa naging pahayag ng pangulo, tila nagmukha aniyang duwag ang mga Filipino sa harap ng buong mundo kung saan sa kakaunting pananakot ay umaatras at lumuluhod na.

Binigyang diin din ng mambabatas na tama lamang na maging maingat ang pagkilos ni Pangulong Duterte sa usapin pero dapat alam din aniya nitong hindi naman makikipagdigma ang China sa ibang bansa.

Sinabi ni Alejano, may sinusunod namang proseso sa pagpapadeport ng mga illegal foreigners sa bansa na naaayon sa batas.