33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pangulong Duterte binatikos si Senior Associate Justice Carpio kaugnay sa West PH Sea

- Advertisement -

Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senior Associate Justice Antonio Carpio kaugnay ng posisyon nito sa usapin ng soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa kanyang talumpati sa ground breaking ceremony ng Panguil Bay Bridge Project sa Tubod, Lanao Del Norte, binanatan ni Pangulong Duterte ang mga pahayag ni Carpio kung saan hinimok nito ang pamahalaan na magkaroon ng matibay na paninindigan pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Gayundin, ang paghikayat sa pamahalaan na maghain ng diplomatic protests laban sa isinasagawang militarisasyon ng China sa mga ginawa nitong artipisyal na isla sa South China Sea.

“What do you want me to do? The arbitration, so I’ll order my military and the police to go there in Palawan and shoot it out? It will be a massacre.” Pahayag ni Duterte.

Una rito, idinepensa ni Pangulong Duterte ang kanyang pagpili kay Lucas Bersamin bilang bagong chief justice at pagtalaga kay Court of Appeals (CA) Justice Rosmari Carandang bilang associate justice ng Korte Suprema.

Paliwanag ng pangulo, si Bersamin ang kanyang napili bilang kasunod ni Carpio na una na aniyang nagsabing hindi tatanggapin ang chief justice position.

“Carandang is actually the most senior in the Court of Appeals. Classmate sila ni Carpio. But, Carpio was only the salutatorian he was not the valedictorian, it was Carandang.” Ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -