Release order ni Sanchez pirmado ni Faeldon — document

0
62

Nabunyag na pirmado mismo ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon ang release order ng convicted rapist na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Ito ay sa kabila ng mariing pagtanggi ni Faeldon na mayroong release order si Sanchez.

Sa naturang release order na nakapangalan para sa isang Antonio Sanchez, nakasaad dito na matapos ang 40 taong pagkabilanggo ay dapat itong palayain dahil sa retroactive application ng R.A. No. 10592 o mas kilala bilang Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sa mga preso.

Makikita din sa nasabing release order na Agosto 20 ang petsa ng lagdaan ito kung saan sinertipikahan rin na wala nang iba pang legal na basehan upang patuloy na ikulong si Sanchez.

Matatandaang si Sanchez ay nahatulan sa kasong pagpatay at paggahasa sa UP Los Baños student na si Eileen Sarmenta, at pagpatay rin sa sinasabing nobyo nito na si Allan Gomez.