Duterte nais matapos ang ‘Build, Build, Build’ bago pa matapos ang kanyang termino

0
44

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos ang Build, Build, Build program bago pa man matapos ang kaniyang termino sa 2022.

Sa pagharap ng pangulo sa ilang business leader sa Grand Hyatt Hotel sa Beijing, China, sinabi nito na pursigido ang kaniyang administrasyon na tapusin ang mga infrastructure project sa natitirang taon ng kaniyang panunungkulan.

Kaugnay nito, tiniyak rin naman ng pangulo na papatawan ng parusa ang lahat ng mga tiwaling kawani ng gobyerno na magtatangkang manuhol sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastruktura.

Makakatuwang naman ng pamahalaan sa pagtatayo ng Sangley Point International Airport ang Cavite Holdings, China Communication Construction Co. at China Airport Construction.