Mas mabigat pang daloy ng trapiko sa EDSA asahan na sa pagpasok ng ‘ber’ months – MMDA

0
54

Asahan na ang mas maraming sasakyan at mas mabigat pang daloy ng trapiko sa EDSA, simula bukas.

Ito, ayon mismo kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson at Assistant Sec. Celine Pialago, kung saan sinabi nitong tumaas ng 5% o katumbas ng 22,000 ang bilang ng sasakyang dumaraan sa EDSA kada araw.

Ayon kay Pialago, mula sa average na 383, 828 na sasakyan ay pumalo na sa 405, 882 ang kabuuang bilang ng sasakyan na dumadaan sa EDSA nito lamang Agosto.

Dahil dito, ibinabala ni Pialago ang mas masikip na daloy ng trapiko sa EDSA simula bukas kasabay ng pagpasok ng ‘ber’ months.

Paliwanag pa nito, inaasahan kasing tataas pa ng 20% ang bilang ng mga sasakyan.

Gayunman, tiniyak rin naman ni Pialago na mahigpit pa ring ipatutupad ng MMDA ang mga umiiral na polisya hinggil sa traffic management.