Rekomendasyon ng World Health Organization sa paggamit ng Dengue Vaccine supportado ng Philippine Medical Association

0
50

Sinuportahan ng PMA o Philippine Medical Association ang rekomendasyon ng WHO o World Health Organization na paggamit ng Dengue Vaccine.

Ayon sa inilabas na pahayag ng PMA isang precautionary measure kung gagamit ng Dengue Vaccine para mapigilan ang tumataas na bilang ng namamatay sa Dengue.

Inirekomenda rin ng PMA na tanging mga indibidwal na may edad 9 hanggang 45 taong gulang na nagkaroon na ng Dengue ang dapat maturukan.

Maibibigay din ang bakuna sa isang tao kung nagkusa ito at alam ang mga posibleng panganib nito sa katawan.

Matatandaang idineklara ng DOH o Department Of Health ang National Dengue Epidemic ngayong buwan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Dengue sa bansa.