Thursday, May 2, 2024

Isang Mall sa Quezon City nag alok ng parking

- Advertisement -

Binuksan ng isang Mall sa Quezon City ang kanilang parking area para gawing Terminal ng jeep at UV Express Vans.

Ayon sa pamunuan ng Crossroads Tandang Sora, bubuksan nila ito para maibsan ang daloy ng trapiko sa lugar ng Novaliches.

Ikinatuwa naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ginawa ng naturang Mall.

Aniya, sana lahat daw ng Mall ay gumawa ng ganitong hakbang upang makatulong at maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod.

Matatagpuan ang naturang Mall sa pagitan ng Quirino Highway at Tandang Sora Avenue kung saan laging mabigat ang daloy ng trapiko araw araw.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img