27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Rekomendasyon Ng BFAR Na Isara Ang Tilapia Fish Cages Sa Buhi Camarines Sur Hanggang Sa Dalawang Taon, Hindi Mangyayari

- Advertisement -

Iriga City – Inirekomenda ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) –Bicol noong Nobyembre 2020 na isara muna ang Tilapia Fish cages sa lawa ng Buhi sa Camarines Sur sa loob ng dalawang taon na sisimulan sana pagkatapos ng Semana Santa ngayong 2021 upang maging malinis ang ilalim at mabago ang “bad practices” ng mga mangingisda.

Sa panayam kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR Bicol, sinabing hindi ito mangyayari dahil sa mga inilatag na aksyon ng Lokal na Pamahalaan at Buhi Lake Authority.

Isa sa mga ito ay ang pagtitiyak na dapat 10% lamang ng lawa ang magagamit sa Aquaculture. May kasunduan din na dapat na a-account ng maayos ang mga fish cage owners and operators at marami pang iba. Binuo na rin ang management body na pumaplantsa sa mga polisiya.

Kung matatandaan umabot ng ₱ 5.2M ang pinsala sa 20,000 kilo ng tilapia noong nagkaroon ng Fish kill matapos ang pananalasa ng Bagyong Quinta, bumaba lalo ang dissolved oxygen.

Kung natuloy aabot ng 15, 692 fish cages ang maapektuhan.

(Source: Interview with Nonie Enolva, BFAR Spokesperson)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -