Reklamo ni Jejomar Binay agad inaksyunan ng COMELEC

0
50

Agad inaksyunan ng Commission on Elections ang reklamo ni dating vice president Jejomar Binay.

Nagpasalamat pa si COMELEC Spokesman James Jimenez kay Binay sa agarang pagdulog nito sa komisyon.

Ayon kay Jimenez, maaari nilang magamit ang sitwasyon ni Binay para tugunan rin ang mga kahalintulad na insidente sa ibang lugar.

Pinalitan na ng komisyon ang vote counting machine sa presinto ni Binay at pinayagan ang dating bise presidente na muling makaboto.

Una rito, halos walong beses isinubo ni Binay ang kanyang balota sa VCM subalit hindi ito binasa ng makina.