34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Mahigit 1-M pisong gagamitin umano sa vote buying narekober sa Zamboanga Del Sur

- Advertisement -

Mahigit isang milyong piso na gagamitin umano sa vote buying ang narekober ng militar sa bayan ng Dumingag, Zamboanga Del Sur.

Ayon kay 97th Infantry Battalion Commander, Lt. Col. Rufino De Leon, nakasilid sa isang paper bag ang nasabing halaga nang madiskubre ng first infantry division sa Barangay Dapiwak.

Iniwan umano ang pera ng grupo ng isang hindi pa pina-pangalanang kandidato sa likod ng abandonadong bahay.

Narekober din ang ilang sample ballot at iba pang election materials.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -