Rehabilitasyon ng MRT-3 target matapos sa ika-3 bahagi ng 2021

Rehabilitasyon ng MRT-3 target matapos sa ika-3 bahagi ng 2021

by Powered by DWIZ
24 views

Target ng Department of Transportation (DOTr) na matapos ang rehabilitasyon ng MRT-3 sa ikatlong bahagi ng taong 2021.

Ayon sa DOTr, inaasahang magiging 20 tren na ang bibyahe mula sa kasalukuyang 15 tuwing peak hours sa susunod na taon.

Bibilisan rin ang takbo ng mga tren na aabot sa 60 kilometro kada oras mula sa dating 30 kilometro upang umabot sa  3 hanggang 5 minuto ang paghihintay sa susunod na sasakyang tren.

Dahil dito, inaasahang aabot sa mahigit 650,000 ang maseserbisyuhan kada araw ng MRT.

 

0 comment

Related Posts