EMB may panawagan sa mga magbibigay ng bottled water sa Batangas

EMB may panawagan sa mga magbibigay ng bottled water sa Batangas

by Powered by DWIZ
26 views

Nananawagan ang Environmental Management Bureau Region 4A sa mga nagpapadala ng donasyon sa mga apektado ng pagputok ng bulkang Taal na iwasan ang pamamahagi ng mga bottled water.

Paliwanag ng mga ito, maaari kasing makadagdag lamang ito sa problema sa basura sa mga evacuation centers.

Iminungkahi ng EMB na mas makabubuti kung mamahagi na lamang ng tubig na nakalagay sa kulay asul na galon, upang mabawasan ang basura at magamit pa ang mga ito bilang imbakan.

0 comment

Related Posts