Monday, May 6, 2024

Refund para sa mga motoristang dumadaan sa SLEX tatalakayin na — TRB

- Advertisement -

Plantsado na ang hinihinging refund ng Toll Regulatory Board (TRB) para sa mga dumadaan sa South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Director Raymundo Junia ng TRB, tapos na nilang talakayin sa technical working group ang mungkahi n’yang magbalik ng  44 na piso ang operator ng SLEX sa mga motorista dahil sa dinanas nilang traffic sa SLEX nitong mga nakaraang linggo.

Nakatakda na anyang talakayin ito ng TRB board sa a siete ng Nobyembre.

Iginiit ni Junia na simple at hindi kumplikado ang hinihingi n’yang refund dahil bigo ang SMC bilang operator ng SLEX na ibigay ang tamang serbisyo sa mga motorista.

Yung San Miguel na pagmamay-ari ng operator ng SLEX ay nagbebenta ng serbisyo. Ang serbisyong ibinibigay nila ay convenience, safety at cost savings. Kapag hindi nai-deliver ang services na yun ay nasu-sure change ang mga nagbabayad ng toll, yun yung basic premises dito sa simple business,” ani Junia. — sa panayam ng Ratsada Balita.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img