Sunday, May 5, 2024

Recycled drugs mula sa mga ‘ninja cops’ bulto-bultong binibili ng isang drug lord — PDEA

- Advertisement -

Bulto-bulto di umanong binibili ng isang drug lord sa Metro Manila ang mga recycled drugs mula sa mga tinaguriang ‘ninja cops’.

Ibinunyag ito ni Director General Aaron Aquino ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos nyang aminin na patuloy pa ring nangyayari ang pagrecycle ng illegal drugs.

Ayon kay Aquino, nangyayari ang pag-umit ng droga kapag mayroong buy bust operations o kaya ay naghahain sila ng warrant of arrests.

Naipagtabi nila ‘yung dapat itabi, binulsa na ‘yung dapat ibubulsa, bago papasukin ‘yung mga media tiyaka ‘yung mga iba pang witnesses. Noon pa ginagawa na ‘yan ng mga ‘ninja cops’ at maramin ‘yan, although marami nang natanggal sa serbisyo, pinarusahan — pero syempre meron pa ring mga tiwali pa ring naiiwanan, talagang gumagawa pa rin ng hindi tama,” ani Aquino. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img