Recruiter ng Maute group hinatulang guilty

0
59

Pinatawan ng 40 taong pagkabilanggo ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 70 ang recruiter ng Maute group na si Nur Supian.

Habang, hinatulan rin ng korte ng mahigit 14 na taon sina Araji Samindih at Umad Harun, kaugnay ng kasong rebelyon dahil sa pagkakasangkot nito sa Marawi Siege.

Matatandaang, si Supian ang kumumbinsi ng mga tao upang lumaban para sa ISIS-inspired na Maute group sa Marawi City noong May 2017.

Samantala, pinawalang sala naman ng korte ang mga kapwa akusado ni Supnian na sina Marvin Ahmad at Salip Ismael Abdull.