35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Queen Elizabeth kakausapin si Prince Harry hinggil sa pag-atras sa royal duties

- Advertisement -

Ipinatawag ni Queen Elizabeth II ng United Kingdom ang kanyang apo na si Prince Harry sa isang crisis meeting.

Kasunod ito ng naging pasiya nina Prince Harry at asawang si Meghan Markle na bitawan ang kanilang tungkulin bilang Duke at Duchess of Sussex.

Batay sa lumabas na ulat mula sa Buckinghum Palace, kasama rin sa dadalo sa pulong ang ama ni Harry na si Orince Charles at nakatatandang kapatid na Prince William.

Tatalakayin sa pulong ang mga gagawing hakbang kasunod ng pasiya ng mag-asawa.

Miyerkules nang i-anunsiyo nina Prince Harry at Meghan sa publiko ang pagbaba sa puwesto na ikinagulat ng buong royal family.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -