Radio Philippines Network
Image default
Sports & Entertainment

Tambalang Piolo at Claudine sa pelikula hindi na matutuloy ngayong taon

Hindi matutuloy ang pagbabalik tambalan sana nina Piolo Pascual at Claudine Barreto sa isang pelikula ngayong taon.

Ayon kay Piolo, naghihintay pa sila ng isang pelikula na may tamang kuwento gayundin ng tamang panahon para matuloy ito.

Sa ngayon aniya’y tutukan niya muna ang iba pa niyang nakapilang mga proyekto.

Sinabi ni Piolo, kabilang dito ang isang bagong proyekto sa kanyang mother network na aniya’y hindi pa niya nagagawa noon at magsisimula na sa mga susunod na linggo.

Kaniya rin aniyang uunahin ang pelikula kasama ang aktres na si Alex de Rossi.

Samantala, inihayag ni Piolo ang posibilidad naman na matuloy na ang pagbabalik tambalan naman nila ng aktres na si Judy Ann Santos.

 

Related posts

Judy Ann Santos hindi iiwanan ang ABS-CBN

Powered by DWIZ

Bucks wagi kontra Blazers sa iskor na 137-129

Powered by DWIZ

Judy Ann Santos wagi bilang best actress sa Cairo Int’l Film Festival

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More